Panuto: Iguhit ang puso (heart) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng naging papel ng sapilitang paggawa sa pamumuhay ng mga katutubo at bituin (star) naman kung ito ay nagbigay saysay sa pamahalaang Espanyol. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Bumaba ang produksiyon ng mga pananim kaya nagkaroon ng taggutom. 2. Nalayo ang mga polista sa kani-kanyang mga pamilya. 3. Nakapagpatayo ng mga imprastruktura ang pamahalaang kolonyal. 4. Naiwasan ang mga pag-aalsa. 5. Hindi gumastos ang pamahalaang lokal sa pagpapatayo ng mga gusali.