👤

GAMOT SA BOTIKA
May dalawang uri ng gamot na mabibili sa botika. Ang una ay may reseta
at ang pangalawa naman ay walang reseta.
Gamot na may reseta doctor ang may dikta, gamot sa mga sakit na
malubha at malala na.
Hindi pwedeng gamitin kung pahintulot ng doctor ay di kamtin.
Pagkat lalo lang magdudulot sakit sa karamdaman natin.
Gamot na walang reseta ay marami sa botika
Kahit sino sa atin ay maaaring bumili at makakuha
Basahing Mabuti direksyon sa etiketa.
Upang hindi magkamali, maiwasan ang pinsala.
Tanong:
Ano-ano ang dalawang uri ng gamot ayon sa tula?
Saan maaaring mabili ang mga gamot na ito?
Bakit mahalaga ang reseta sa pagbili ng gamot?​