Tukuyin kung anong kilos sa pagsayaw ang inilalarawan sa bawat pangungusap. 1. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa papamagitan ng paghakbang gamit ang kanang paa na sinusundan ng paglukso at pagbagsak gamit pa din ang parehong paa. 2. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa kasunod ang pagturo sa sahig gamit ang kaliwang paa. 3. Ang pagsasayaw na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa kasunod ang pagsasara ng mga paa gamit ang kaliwang paa. 4. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa pagitan ng harap at kanang bahagi ng puwesto ng mananayaw o sa 45º mula sa harap papuntang kanang bahagi ng puwesto. 5. Ang pagsasayaw na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng kanang paa sa harapang bahagi ng puwesto.