Sinulog Isang napakasayang pagdiriwang ang Sinulog. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sayaw na sinasaliwan ng sunod-sunod na pagpalo sa tambol. Hindi lamang ang mga mananayaw ang nakapagbibigay-sigla sa tradisyong ito. Pati ang manonood ay napapasayaw rin sa sigla at ingay na kanilang naririnig Ang Sinulog ay nagsimula sa isang prusisyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño. Ayon sa kasaysayan, ang unang prusisyon ay pinamahalaan ni Gobernador Miguel Lopez de Legazpi, ang unang gobernador ng Cebu. Katuwang niya si Pari Andres de Urdaneta, ang paring kasama sa paglalakbay ni Gobernador de Legaspi Ang unang pagdiriwang sa Sinulog ay noong tag-araw ng 1565. Ito ay ginanap sa Santisimo Nombre de Jesus sa tahanan ni Haring Tupaz. Pagkatapos, gumawa ng isang munting dalanginan na yari sa pawid at dito inilipat ang imahen Ang pinakahuling pook-dalanginan na itinayo para sa imahen ng Santo Niño ay ang simbahan ng San Agustin. Nakilala ito hindi lamang sa Cebu kundi sa buong daigdig. Dito matatagpuan ang Basilica Minore del Santo Niño de Cebu na siyang kinalalagyan ng Mahal na Imahen Mga Tanong 1. Sino ang pinararangalan sa pagdiriwang ng Sinulog? 2. Paano simulan ang isang Sinulog? 3. Kailan ang unang pagdiriwang ng Sinulog? 4. Saang lalawigan idinaraos ang ganitong pagdiriwang?