Pangalan: Panuto: Isulat ang RM sa linya kung ang nakatalang pagbabago ay nagawa ni Pangulong Ramon Magsaysay at isulat ang ekis (X) kung hindi. 1. Pagliligtas ng demokrasya mula sa panganib ng dulot ng mga Huk dahil ditto siya ay tinaguriang Tagapagligtas ng Demokrasya. 2. Paglalapit ng pamahalaan sa mga mamayan 3. Pagpapaunlad sa mga baryo sa pamamgitan ng pagpapagawa ng mga daan, tulay, poso artesyano, patubig at marami pang iba. 4. Pagpapalawak ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsusuot ng barong Tagalog Setyembre 2, 1954. 5. PAgdaraos ng Manila International Conference of 1954 na siyang naging sanhi ng pagkatatag ng Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) noong 6. Ang paglagda sa Reparations Agreement sa bansang Japan bilang kabayaran sa ginawang pinsala ng mga Hapones sa ating bansa noong panahon ng digmaan. 7. Ipinahayag niya na “Kung ano ang makabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti rin sa buong bansa" 8. Siya ay “Kampeon ng Masang Pilipino" at "Kampeon ng Demokrasya" 9. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbibili ng kanilang ani. 10. Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) kung saan ang mga kasapi ay makauutang sa ACCFA upang makabili ng kanilang sariling kalabaw sa pagsasaka at iba pang kagamitan. 11. Pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad ng mga baryo. 12. Pinagtibay ang Land Tenure Reform Law kung saan itinadhana ang paghahati hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama. 13. Pagoorganisa ng mga kapulungang pambaryo ng mga sanggunian sa pagsasaka at ng mga samahang 4-H na may kinalaman sa paghahalaman 14. Inilunsad niya ang Economic Development Corps (EDCOR) noong siya ay kalihim pa lamang sa Tanggulang Pambansa. 15. Nahikayat niya na sumuko ang supremo ng Huk na si Luis Taruk noong Mayo 16,1954. Inihanda