👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot na tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

-statistical discrepancy business tax capital
-growth rate
-income approach
-national income
-underground economy
-expenditure approach
-account proprietor's income
-consumption allowances
-real GNI
-gross domestic product
-national income accounting

__________ 1. Ito ay sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon.
__________ 2. Ito ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
__________3. Kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.
__________ 4. Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto o serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.
__________ 5. Ito ay kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang
__________ 6. Ito ay Gross National Income sa kasalukuyang presyo.
__________ 7. Tinatawag din itong Value Added Approach kung saan kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa.
__________ 8. Ito ay ikatlong panukat na tinutukoy ang pinanggagalingan ng pambansang kita.
__________ 9. Tinatawag na depresyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
__________ 10. Dating tinatawag na Gross National Product ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa.
__________ 11.Iba pang tawag sa Impormal na Sektor.
__________ 12. Kabilang na sinusukat dito ay ang Gastusing Personal, gastusin ng
pamahalaan, gastusing ng Panlabas na Sektor at iba pa.
__________ 13. Tawag sa kita ng Entrepreneur sa kanyang negosyo.
__________ 14.Ito ay tinatawag na tala sa mga sinukat na pambansang kita.
__________ 15. Tawag sa mga Pamamaraan ng pagsukat sa pambansang kita.