Sagot :
1. REBOLUSYONG PRANSES
2.Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ay kawalan ng katarungan ng rehimen; oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan; walang hangganang kapangyarihan ng hari; personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan. MGA SALIK NG PAGSIKLAB NG REBOLUSYONG PRANSES
3. Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni haring Louis XVI, isang bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na pinakamakapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat,ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. ANG KALAGAYAN NG LIPUNANG PRANSES NOONG 1789