Sagot :
FILIPINO
KATANUNGAN:
Mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao ay tinatawag na?
KASAGUTAN:
»» Panghalip
(Panghalip Panao)
Ang Panghalip ay ang mga salita na inihahalili o ipinapalit sa isang ngalan ng isang tao, bagay, hayop, at lugar.
KARAGDAGANG KAALAMAN
May apat na uri ng Panghalip:
Panghalip Panao
Panghalip Pananong
Panghalip Pamatlig
Panghalip Panaklaw
Ngunit, ang uri ng tinutukoy na Panghalip sa tanong ay ang Panghalip Panao.
Narito ang ilang halimbawa ng Panghalip Panao:
Siya
»» Si Mama ang nagluto ng hapunan namin at siya rin ang naghugas ng mga plato.
Sila
»» Ang grupo ni Krei ang nanalo, sila rin ang naging pambato ng paaralan.
#HaveDeepReverenceOnModsAndAdmins