Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang ipinapahayag ng bawat pangungusap ay wasto at Mali kung ang pahayag ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Ang NARIC (National Rice and Corn Corporation) ay isang samahan na nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa mga magsasaka na nabuo sa panunungkulan ni Pangulong Manuel Roxas. 2. Si Pangulong Carlos P. Garcia ang nagpatupad ng Patakarang Pilipino Muna. 3. Sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, inilunsad niya ang malawakang programang emprastruktura 4. Nalutas ang mga suliraning may kaugnayan sa kawalan ng hanapbuhay ng mga Pilipino sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal 5. Ilan sa mga adhikain ni Pangulong Ramon Magsaysay ay ang pagpapagawa ng mga daan at tulay upang maidugtong ang baryo sa kabayanan