TEST 1. Tama o Mali.
1. Ang pagtaas ng pambansang kita ay nagsasabi na gumanda ang pambansang ekonomiya.
2. Kapanipaniwala ang paghahambing ng pambansang kita sa mga taon na mayroon pagtaas o pagbaba sa
halaga ng nabuong produkto.
3. Hindi nangangahulugan ng pagganda ng buhay ng isang mamamayan ang pagtaas ng kanyang sweldo. Lalo
na't mayroong nangyayaring Inflation.
4. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon
ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang
produksiyon ng bansa.
5. Kung may sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan
na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
6. Napapaloob sa Gastusing Personal ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibing,
serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.
7. Sa pamamagitan ng income per capita ay masusukat kung hahatiin ang Gross Domestic Product sa kabuuang
populasyon ng bansa.
8. Ang real GNI ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong nagawa sa
loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
9. Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo.
10. Hindi ibinibilang sa GDP ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan dahil hindi naman sila mga
mamamayan ng bansa.