1. Naging tagapakinig ang matanda sa mga hinaing ng mga makabayang Pilipino na nagnanais na maghimagsik laban sa mga Español A. hinala B. hinanakit C. hinawa D. hinayang 2. Sa kaniya ring tindahan naulinigan niya ang pagtatatag ni Andres Bonifacio ng lihim na kilusan ng mga Katipunero na ang layunin ay ibagsak ang paghahari ng mga Español sa ating sariling bayan A. nakita C. napakinggan B. naamoy D. naramdaman 3. Kabilang siya sa magigiting na Pilipina na may matinding pagnanais na makahulagpos ang ating bansa sa di-makataong pamamalakad ng mga namumunong Español A. makawala B. makabitaw C. makatago D. makalag 4. Natiktikan ng mga Español ang lihim na pagtulong sa Tandang Sora sa mga naghihimagsik na Pilipino. A. natutuhan B. natuklasan C. namasdan D. nalaman 5. Nakadama siya ng kasiyahan nang muli niyang masilayan ang kaniyang minamahal na bayan. A. makita B. marumi C. marinig D. marating R Rasahin ang tula. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.