👤

Gawain sa Pagkatuto bilang 1
Basahin ang teksto at ibigay ang angkop na pamagat. Piliin ang titik ng tamanag sagot sa
papel.

1. Ayon sa ulat ng IMF o International Monetary Fund/World Bank sa taong ito, tataas
ang bilang ng mahihirap na bansa. 55 hanggang 90 milyong tao ang makararanas ng hirap
at halos isang bilyon ang magugutom. Dahil na rin sa pandemya maaapektuhan ang pag-
aaral ng mga bata at dadami ang bilang ng mga may karamdaman. Inaasahang bababa rin
ang antas ng pag-unlad ng maraming bansa.

A. Ang Mahihirap na Bansa
B. Epekto ng Pandemya sa Bansa

2. Nagsidalo sa paaralan ang mga magulang at pawang kasabikan ang namamalas sa
kanilang mga mukha. Kinuha nila ang mga modyul na gagamitin ng kanilang mga anak para
sa online class. Pagkakalooban rin ang mga magaaral ng libreng tablet ng Pamahalaang
Lungsod. Naglunsad rin ang pamahalaan ng libreng internet na magagamit ng mga mag-
aaral sa pagdownload ng kanilang aralin. Malaki ang pasasalamat ng mga magulang sa
biyayang kanilang natanggap.

A. Mga Programa ng Pamahalaan para sa mga Mag-aaral
B. Kaligayahan ng mga Magulang ng Mag-aaral

3. Mayaman sa kultura at tradisyon ang ating bansa. Nariyan ang pagdiriwang ng
kapistahan at "Flores de Mayo" tuwing buwan ng Mayo. Maituturing din ang
pamamamhikan ng angkan ng lalaki sa kanyang mapapangasawa na isa sa mga tradisyong
magpahanggang ngayon ay sinusunod pa rin kahit ng makabagong henerasyon. Ang
pafdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay isa ring tradisyong Pilipino na isinasagawa ditto sa
Pilipinas.

A. Mga Tradisyong Pilipino
B. Mga Ipinagmamalaki ng mga Pilipino​


Gawain Sa Pagkatuto Bilang 1Basahin Ang Teksto At Ibigay Ang Angkop Na Pamagat Piliin Ang Titik Ng Tamanag Sagot Sapapel1 Ayon Sa Ulat Ng IMF O International Mo class=