Sagot :
Answer:
Hindi na bago sa bawat Pilipino ang pagkakaisa at pagtutulungan. Madalas natin ito ipinapakita sa tuwing may kalamidad o kaya kung may mga taong nahihirapan. Likas na sa ating mga Pilipino ang ganitong pagbabayanihan, kaya naman sa kasalukuyang panahon na kung saan pandemya; halos lahat sa atin ay walang trabaho at walang mapagkukunan ng makakain. Umusbong sa kalagitnaan ng pagtaas ng kaso na nagpopositibo sa COVID-19 ang community pantry.
Nagsimula ito sa Maginhawa, Diliman sa Lungsod Quezon na may katagang “Magbigay ayon sa kakayahan; kumuha batay sa pangangailangan" na talaga namang kahanga-hanga. Naglalaman ang community pantry ng mahahalagang pangangailangan ng tao tulad ng bigas, gulay, prutas, face masks, de lata, sabon at iba. Ito ay nagsimula at ipinapamahagi lamang sa mga tricycle drivers sa lugar nila. Kaya naman ito'y nag-trending sa internet kung saan maraming netizens ang naantig at nagbigay inspirasyon sa kanila ang naturang community pantry. Matapos ang pangyayaring ito ay marami ang nag-donate upang dagdagan ang mga nakalagay dito para ipamahagi at kaya naman ay dinumog ito ng mga tao. Dahil nagbigay inspirasyon ito sa iba ay dumami rin ang nagtayo ng ganitong ideya sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Kaya naman naipamalas ulit natin ang pagbabayanihan nating mga Pilipino sa panahong ito ng pandemya.
Ang pamayanan ay gumawa ng paraan para sa mga mahihirap upang matugunan ang kanilang pinakamahalaga at pangunahing mga pangangailangan, kung saan ang gobyerno ang dapat na unang magbigay nito. Kung ang mga community pantry ay magpapatuloy na umiiral habang lumalala ang krisis, dapat gawin ng gobyerno ang trabaho nito. Nagpapakita lang ang community pantry kung gaano kalala ang sitwasyon ng bansa.