ERICHTOLENTINO1IN ERICHTOLENTINO1IN Filipino Answered Basahin ang talata sa ibaba at tukuyin kung anong antas ng wika ang ginamit ng may-akda. Ipaliwanag kung bakit ito ang uri ng antas ng wika. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Ang Hapon ang pinakamaunlad na bansa sa Asya. Ito ay may pinakamataas na kaunlaran na ang kanyang antas ng kabuhayan ay maihahambing sa mga umuunlad na bansa ng Europa.Pagsasanay sa lakas-paggawa, pananaliksik, at mga patakaran ng pamahalaan, ang agham at teknolohiya ng Hapon ang nakapagpabago sa kanila upang maging dambulahang ekonomiya. Ang paglago ng kanilang kabuhayan ay hindi mapapantayan ng alinmang bansa. Ang kahanga-hangang pag-unlad ng Hapon ay bunga ng napakataas na kasanayan at edukadong lakas-paggawa.Ang ekonomiya ng Hapon ay nakasalalay sa pandaigdigang kalakalan. Kumikita ito ng $300 bilyon mula sa pagluluwas ng produkto. Mayroon din itong malaking pamumuhunan sa ibang mga bansa na umaabot ng $200 bilyon. Ang kanilang sentral at local na pamahalaan ay gumagasta para mapaunlad ang kanilang ekonomiya. Kaya naman sa kasalukuyan, ang Hapon ang siyang pinakamaunlad na bansa sa Asya.