👤

ano ano ang mga pagbabago pang-ekonomiya na ipinapatupad sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol​

Sagot :

Answer:

Patakarang pang ekonomiya ang isa sa mga ipinatupad ng mga Espanyol. Kabilang sa mga ito ang pagbabayad ng tributo o buwis. Ito ang naging pangunahing pinagkukunan ng pondo ng mga mananakop. Nagumpisa ang panininingil nito noong panahon ng encomienda sa halagang 8 reales at natapos sa halagang 12 reales. Sa huli ay napalitan ito ng Cedula Personal.

Iba pang Patakarang Pang Ekonomiya  

Narito ang ilan sa mga patakarang pang ekonomiya:

• POLO Y SERVICIO - mas kilala ito sa terminong sapilitang paggawa. Ang mga kalalakihang edad 16-60 ay sapilitang pinagtatrabaho sa loob ng 40 araw. Paggawa ng galyon, simbahan, tulay at iba pang istruktura ang kanilang trabaho. Dahilan ito kung bakit marami ang napawalay sa kanilang pamilya o maaring namatay dahil sa hirap.  

• Sistemang Bandala – tumutukoy ito sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa mababang halaga.  

• Monopolyo sa Tabako – Kinontrol ng pamahalaan ang pagtataim at kalakalan ng tabako

Explanation: SANA MAKATULONG