Sagot :
Answer:
Oo
Explanation:
Maituturing na pagnanakaw ito dahil di mo kinumpirma Kung may nag-aari ba nito o wala.Maaaring ito'y itinabi Lang dahil may pinuntahan at babalikan mamaya pero kinuha mo ito at ginamit. Kung ginamit mo ito sakali ay ibalik mo agad kung natapos mo nang gamitin o di Kaya simpleng huwag gagalawin ito. Ang mga ganitong bagay ay kadalasang gumagawa ng mga tao na itinuturing na pagnanakaw Kaya nilalagyan ng mga tao ng mga kandado ang mga kanilang ari-arian, Hindi porket nasa tabi Lang ng lansangan ay Wala nang may-ari.
Answer:
Oo, pagnanakaw iyan dahil hindi mo naman pagmamayari ang bisikletang iyon na siyang nakita mo lang sa lansangan. Hindi ka dapat nangingialam ng bagay na hindi naman sa iyo lalo na pag hindi ka binigyan ng permiso ng may-ari.
Nararapat na iwanan mo na lang iyon marahil iniwan iyon ng may-ari doon. Kung hindi ka mapapanatag ay pwede mong bantayan ang bisikleta kung sakaling may magtatangkang kunin ito habang inaantay na makabalik ang may-ari, o maaaring dalhin mo ito sa police station para sa lost and found.