A.Ilarawan si Isagani batay sa sumusunod na pahayag mula sa buod:
Tugon naman ng binatilyo, lumaki siyang kipkip lagi sa isip na alalahanin muna ang
kapakanan ng mga higit na nangangailangan kaysa sa kaniyang sarili. Mas gugustuhin
niya pang tumandang mag-isa ngunit tinupad ang lahat ng magagawa’t nararapat para
sa bayan kaysa tumandang pamilyado at matagumpay ngunit nabuhay alang-alang sa
sarili lamang.
B. Anong katangian ni Isagani bilang isang kabataan ang maaari mong tularan? Bakit?
C. Anong katangian ni Senyor Pasta ang sa iyong palagay ay hindi kaaya-aya? Bakit?