Tayain 2
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga pang-uring ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat sa tapat nito kung ang antas na ginamit sa
paglalarawan ay lantay, pahambing o pasukdol.
1. Mas payat si Chary kaysa kay Amy.
2. Higit na maluwag ang silid na ito kaysa roon.
3. Ang aklat ay makapal.
4. Pinakasakitin si Shiela sa lahat ng magpipinsan.
5. Ang hinog na mangga ay ubod nang sarap.
