Nagustuhan mo ba ang kuwento tungkol sa cariñosa? Nakapagsayaw ka na ba nito? Ang pagsasayaw ay isa lamang sa mga talentong ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. May mga taong mahusay umawit, magpinta, gumuhit, umarte, at iba pa. Ang mga talentong ito ay likas na sa bawat isa sa atin. Ikaw, ano ang iyong talento? Paano mo ito ginagamit o pinapaunlad? May iba't ibang paraan upang mapagyaman mo ang iyong mga talento: 1. Ipakita ang iyong talento at sikaping mapaunlad ito hindi lamang para sa sariling kapakanan ngunit para sa kabutihan ng lahat. 2. Maging gawi ang pagbabahagi ng iyong talento sa proyektong nakapagpapabuti sa kapwa. 3. Paggamit ng multimedia o teknolohiya sa pagpapaunlad ng iyong talento at pagiging malikhain. 4. Gamitin ang talento upang mapayaman ito. 5. Ugaliing makilahok sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang iyong talento. naunlad ng iyong talento ay ang pagsali o pakikilahok sa mga