👤

Wag Matakot sa Pandemya at Manalig sa Diyos

Pandemya ng dumating sa atin
Daming pangarap ang nabitin
Di akalain buhay natin babaguhin
Kay sakit tanggapin kaylangan maquarantine.

Mundo nating puno ng problema
Mga taong nagugutom sa Diyos nalang umaasa
Makalaya sa sakit dalangin ng isa't isa
Pag asa sa bayan ating isagawa.

Gutom at pagod sikap ng Magulang
Kaya't sila ating ginagalang.
Sa hirap at ginhawa tayo'y sama sama
Dalangin at hiling naway mawala ang problema.

Sikap at pagod sa bawat bata
Ating magulang bigyan ng halaga
Iparating ang dalangin sa isa't isa
Sa bawat saglit tayo din ay lalaya.

Sa mahigit isang taong pakikibaka sa virus
Marami padin ang hindi nakakaraos.
Walang sakit at hindi nag hihikalos
Kaya walang hanggang pasasalamat sa Diyos.

Sa masalimuot na buhay sa mundo
Kung ikay hihinto sa pangarap mo
Tiyak na ikaw ay matatalo
Di man tayo makaakyat sa entablado
Mahalagay makatapos tayo.

Sa gitna ng quarantine tayo ay nanalangin
Sakit sa buong mundo ay kanyang hihilumin
Lahat ng may karamdaman ay papagalingin
May Panginoon tayo at tayo'y didinggin.​