[tex]\fcolorbox{red}{yellow}{Dokyumentaryo} [/tex]
: Heto na ang Radyo "Pio"
: Mula sa bulwagang pambalitaan ng Pilipinas, Barangay Pio ang istasyong magbibigay sa inyo ng mga maiinit, bago, at makatotohanang balita sa balat ng lupa. lto ang radyong Pio
:isang maalab na na araw sa inyo mga katropa!
May mahalagang kaalaman akong ibabahagi sa inyo mula sa pananaliksik
:na ginawa ng mga siyentipiko ng UK, Gayunman, tingin ng Department of Health na masyado pang maaga para sabihing may community transmission na ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay kahit pa nadagdagan ng 16 ang kaso ng bagong variant, kung saan dalawa ang walang travel history.
Ayon sa mga eksperto, may mga isinaalang-alang pa para sabihing may community transmission ng UK variant sa Pilipinas at iniimbestigahan pa nila, kaya naman "premature" o maaga pang sabihin na may community transmission na sa bansa.
"Considering that the investigation is ongoing, it may be premature for us to determine whether there’s an ongoing community transmission," ani Dr. Celia Carlos, direktor ng Research Institute for Tropical Medicine.
Sumang-ayon naman dito si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng DOH Technical Advisory Group.
"Right now, there is no evidence of that dahil meron tayong isang cluster lang na related sila. And then the others walang onward transmission," aniya.
2 returning overseas Filipino na dumating sa bansa noong December 29 mula Lebanon ang nagpositibo rin sa bagong variant.
Na-detect din ang UK variant ng COVID-19 sa isang taga-La Trinidad, Benguet, at isang taga-Calamba, Laguna.
Pareho silang walang travel history sa labas ng bansa. Kaya iniimbestigahan na ngayon kung paano nila nakuha ang sakit.
Ipinaliwanag din ni Salvana na Disyembro 10 pa nakolekta ang sample ng pasyenteng taga-lungsod ng Calamba sa Laguna.
Pero bahagi raw ang sample ng mga naka-archive na at binalikan lang matapos ianunsyo ang bagong variant sa UK.
"These are samples that we actually looked back to to make sure that there was no widespread transmission in the country. This was part of the reason why we were looking at samples from October to December," ani Salvana.
Bago ang 16 na dagdag-kaso, isang lalaki na umuwi ng Pilipinas mula Dubai ang nagpositibo sa bagong variant. Siya ang itinuring na "patient zero" ng sakit sa Pilipinas.