👤

dalawang Halimbawa ng pangunahing kaisipan ​

Sagot :

Answer:

ng pangunahing kaisipan ay ang mensahe na napapasaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, mga pangungusap, o maikling kuwento.

Halimbawa:

Tingnang mabuti ang nasa larawan.

Ano ang napapansin mo?

1. Ang aso ay may mga tuta.

2. Ang mga tuta ay umiinom ng gatas mula sa kanilang ina.

3. Binabantayan ng aso ang kanyang mga tuta.

Ano ang pangunahing kaisipan na makukuha mula sa larawan? Masasabi nating mahal ng aso ang kanyang mga tuta.

Narito ang isa pang halimbawa:

        Si Leo ay palaging maagang dumarating sa paaralan. Gusto niya kasing makapagbasa pa ng kaniyang mga aralin bago dumating ang guro. Palagi siyang sumasagot kapag may tanong ang kanyang mga guro. Pagdating ng bahay, ginagawa niya muna ang kanyang mga takdang-aralin bago maglaro o manood ng telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit matataas ang kanyang nakukuhang marka.

Ano ang masasabi natin tungkol sa nabasa?

1. Maagang pumapasok si Leo para makapag-aral.

2. Siya ay nakakasagot kapag may tanong sa klase.

3. Inuuna niyang gawin ang kaniyang mga gawaing pampaaralan.

4. Matataas ang kanyang mga marka.

Ano ang pangunahing kaisipan ng sanaysay? Masasabi nating mabuting estudyante si Leo.

Narito ang mga sanayang papel na makatutulong sa pag-aaral ng pangunahing kaisipan: