Pagsasanay 1 A. Panuto: Ipabasa sa iyong tagapagturo ang tekstong nasa ibaba at pakinggan itong mabuti. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-5 sa patlang. Ang Tatlong Alagad May isang lalaki ang paalis upang maglakbay. Tinawag niya ang kaniyang tatlong alagad at binigyan ang mga ito ng pera. Ang unang alagad ay binigyan ng limang libong piso, ang ikalawa ay dalawang libong piso at isang libong piso naman sa ikatlo. Ang perang ibinigay ay napaunlad ng dalawang alagad ngunit ang ikatlo ay ibinaon sa lupa ang pera sa takot na mawala ito, Nang bumalik ang panginoon ay natuwa ito sa dalawang alagad sapagkat napalago nila ang perang ibinigay at ito ay nadoble dahil sa kanilang pagiging matalino at mahusay. Nang ang ikatlong alagad ang nagbalik ng isang libong pisong ibinigay sa kanya, nagalit ang panginoon sapagkat hindi niya ito napalago. Dahil dito ipinatapon ang tamad na alagad sa kadiliman. Hango mula sa: Ortiz, Allan A., SIKAT 5 Sining ng Integrasyon sa Komunikasyon, Asal at Talino, 2015 2.