👤

5.Sa iyong palagay, anu-ano ang epekto ng paglalabag sa karapatang pantao?​

Sagot :

Answer:

sa aking palagay ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao ay magiging sanhi ng kaguluhan o pag aaway Ng mga tao maaari ding rarami Ang gagawa Ng mali at krimen sa madaling salita magkakaruon ng kaguluhan o lalaki ang krimenalidad sa Bansa.

#note:para sa akin lng ahh

Sana nakatulong

Answer:

1. Kumikitil ng buhay at nagdudulot ng pisikal na pinsala

Nasusugatan, napipinsala ang katawan, o nagiging baldado ang mga biktima ng torture at bayolenteng pagtrato. Ang ibang biktima ng sekswal na pang-aabuso ay nagdadalang-tao nang labag sa kanilang kalooban. Ang mga inosenteng naiipit sa armadong labanan o terorismo ay namamatay.

2. May mga sikolohikal na epekto

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay may mga sikolohikal na epekto sa mga biktima at maging sa iba pa. Ang mga sikolohikal na epekto ng child trafficking sa mga biktima ay ang pagkakaroon ng trauma, mga bangungot tungkol sa nangyari sa kanilang nakaraan, kawalan ng pagtitiwala, panic attacks at iba pa.

Hindi lang post-traumatic stress disorder ang bunga ng pagpapahirap at paglabag sa karapatang pantao, kundi maging ang depresyon, pagkabalisa, at psychotic conditions. Ang pagkalantad sa trauma ay maaaring humantong sa mga karamdaman sa pagtulog, sexual dysfunction, hindi gumagaling na pagkamayamutin, at pagkasira sa mga interpersonal na relasyon ng tao.

3. Nagkakaroon ng dagdag na gugol ang tao at gobyerno

Kapag talamak ang paglabag sa karapatang pantao, nadaragdagan ang paggugol ng gobyerno para sa seguridad at pag-iingat sa mga mamamayan. Ang mga biktima ay nangangailangan ng medikal na atensiyon at kalinga.

4. Nawawalan ng kapanatagan sa lipunan

Pinagmumulan ito ang kawalan ng kapanatagan sa mga indibidwal. Ang mga tao ay nahihirapang magtiwala sa iba. Naiimpluwensiyahan ang mga tao na magkaroon ng deviant behavior, predatory behavior, at aggressive behavior, lalo na ang mga kabataan. Nagiging laganap ang takot sa pangambang maging biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao.

5. Nasisira ang kapayapaan sa komunidad

Nagkakaroon ng mga labanan at karahasan sa pagitan ng mga indibidwal at grupo. Ang pamilya ng inabuso ay nagiging kaaway ng pamilya ng nang-abuso.

6. Nakakapekto sa kabuhayan ng pamilya

Ang mga apektado ay hindi nagiging produktibo. Ang nagtatagal na pisikal at sikolohikal na epekto ay nakakaapekto sa kabuhayan ng biktima. Ang mga biktima ay hindi na makapagtrabaho nang maayos. Apektado ang pamilya ng biktima lalo na, halimbawa, kapag namatay ang pangunahing kumikita sa pamilya, o kung ang paglabag ay nagdulot ng mga kapansanang pisikal, na nakakaapekto sa paghahanapbuhay.

7. Nagdudulot ng kahirapan sa bansa

Halimbawa, ang apartheid system ay pinanatili sa pamamagitan ng mapanupil na pamamaraan at ng pagkakait sa mga South Africans ng pinakapangunahing mga karapatang pantao, kabilang ang mga karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang ibinunga nito ay isang lipunan kung saan napakaraming tao ang nagdurusa sa malaganap na kahirapan at kakulangan ng mga oportunidad.

8. May negatibong epekto sa lipunan

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nakakaapekto sa maraming tao bukod sa mga direktang biktima. Ang mga paglabag ay nagbubunga ng mga problemang interpersonal para sa mga biktima. Ang mga miyembro ng pamilya ng biktima, pamayanan, at lipunan ay naapektuhang lahat.