Gawain 2: Talas-isip, Nauunawaan mo, Sabihin Mo! A. Panuto: Ilagay ang hugis ❤️ puso kung ang pahayag ay may kaugnayan sa radio broadcasting at ⭐ tala naman kung wala. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel 1. Mahalaga ang paglalapat ng mga iba't ibang tunog o sound effects para maging makatotohanan ang mga pangyayari. 2. Nagsisilbing lunsaran ang radyo para maipahayag ang opinyon o komentaryo tungkol sa isang paksa. 3. Kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga pahayagang naisulat sa papel 4. Dapat na maging magalang sa pakikipanayam. 5. Pumili ng mga akmang salita sa pagbabalita sa ere at tumbukin ang mismong balita