👤

8. Ano ang tawag sa mga maliliit na mga isla sa mga pulo sa Pacific?
A. Marquesias
C. Micronesia
B. Melanesia
D. Polynesia​


Sagot :

Answer:

Micronesia

Ang tawag sa maliliit na mga pulo na nagkalat sa Pacific Ocean ay Micronesia, kaya ang tamang sagot ay letrang C. Nagmula ang salitang Micronesia sa wikang Griyego na micro at nesos, na ang ibig sabihin ay maliliit na mga isla.

Explanation:

Ilan lamang sa mga bansang napapaloob sa rehiyon ng Micronesia ang Palau, Northern Mariana Islands, Guam, Federated States of Micronesia, Marshall Islands, at Kiribati. Dahil maliit lamang ang mga teritoryong nasasakupan ng Micronesia, hindi makapagsaka ng maayos ang mga taong naninirahan dito. Bagkus, sila ay nangingisda, at isa pang pinagkakakitaan ng mga tao ay ang turismo. Kilala ang mga pulo ng Micronesia dahil sa taglay nitong kagandahan, kaya naman dinadayo talaga ito ng maraming tao kada taon.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa sibilisasyong Pacific, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/1035874

https://brainly.ph/question/2440488

https://brainly.ph/question/456652

#BrainlyEveryday