Sagot :
Answer:
ANG madalas na pag-inom ng softdrinks ay napakasarap pagkamalamig lalu na sa panahon ng tag-init.
Kaya lang ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, hindi mabuti sa katawan ang madalas na pag-inom nito.
Ang soda ay may taglay na phosphoric acid na pumapatay sa calcium at magnesium, mga nutrients na mabuti sana para sa operasyon ng ating immunity.
Bukod dito, mataas din sa fructose corn syrup ang ilang soft drinks na nagco-contain din ng mataas na lebel ng free radicals na nakasisira ng tissues ng ating katawan, nakaka-cause at nakalalala rin ng sakit na diabetes.
Ayon pa sa public health experts, ang mga pinaglalagyang plastic bottles ng soft drinks, maging ng mineral water ay nagtataglay ng toxic chemical na tinatawag na BPA o bisphenol A, na humahalo sa inumin at nakasasama sa katawan ng isang tao.
Pero marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang softdrinks ay may sangkap na caffeine. Ang caffenine ay nakapagpapasigla sa puso at sa central nervous system. Bukod sa pagiging stimulant nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay ang mental performance. Ang caffeine ay karaniwang matatagpuan sa coffee, tea, chocolates, softdrinks o colas, cold tablets at mga pain reliever.
Nakatutulong din ang caffeine sa softdrink na pasiglahin ang output ng acid sa sikmura para madaling makapag-digest ng pagkain. Nakatutulong din ang caffeine para mapalaki ang daanan ng hangin sa lungs.
Pero may mga masamang dulot din ang caffeine kapag sumobra.
Bagamat non-toxic, ang pagiging addictive dito ay nakapagdudulot ng pangangatal, pagpapawis, palpitations, mabilis na paghinga, hindi makatulog at maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng migraine.
Ang biglaang pag-withdraw dito ay dapat iwasan sapagkat magdudulot ng grabeng sakit ng ulo, pagkairita at panghihina o pananamlay.
Kapag kumain ng chocolates, o uminom ng softdrinks o colas sa gabi, magdudulot ito ng tinatawag na childhood insomnia.
Ipinapayo ang pag-inom na anim na tasa maghapon. Ang mga maysakit sa puso, may mataas na blood pressure, may kidney disease ay nararapat bawasan ang pag-inom ng kape o unti-unti na itong itigil.
Ang mga buntis at nagpapasuso ay dapat uminom ng isang tasa ng ground coffee o dalawang tasa ng instant coffee sa loob ng isang araw.
Naa-absorb ng fetus ang caffeine. Kapag naisilang na ang bata ay magdaranas naman ito ng withdrawal symptoms.
Explanation:
yan po haha.
Answer:
masamang naidudulot:maaari itong makasanhi ng uti
magandang ipekto ng kape:nakakapag pagising