👤

Panuto: Sundin nang maigi ang sumusunod na panuto sa Gawain A at B.
Gawin ito sa iyong kwaderno sa ESP.
Gawain A- Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga batas na dapat nating
sundin ukol sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita.
Gawain B- Gumawa ng komiks na naglalarawan ng komunidad na may
sariling disiplina at tulong - tulong na nangangalaga sa kalikasan.
Nakatutuwa dahil nadagdagan na naman ang iyong kaalaman ukol
sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Lagi mong tatandaan na
lagi kang bahagi ng mundo na iyong ginagalawan kayat palagi mong isaisip,
isapuso, at isagawa ang mga gawaing makapagsasalba ng ating kalikasan
kahit walang nakakakita, dahil ang tunay na pag-ugagali ng isang tao ay
nakikita kapag siya ay nag-iisa.​