Sagot :
SISTEMA NG PANANALAPI
1. SISTEMA NG PANANALAPI
2. Patakarang Pananalapi • Tuon ng patakarang pananalapi na maitakda na ang dami ng salapi sa sirkulasyon ng ekonomiya. Sa ganitong kaayusan maaapektuhan ang mga pinansyal na institusyon, partikular na sa mga nagsasagawa ng pag-iimpok at pamumuhunan. Isang hamon sa patakarang pananalapi na mapatatag ang mga institusyong pinansyal.
3. Ano nga ba ang salapi? • SALAPI – ay tinatawag na midyum o instrumento ng palitan na tinatanggap ng lahat ng tao. Ito ang ginagamit ng tao upang makabili ng produkto at serbisyo na makatutugon sa kanyang pangangailangan. • SALAPI (Money) – paraan ng palitan, yunit ng salapi.
4. Kasaysayan ng Pananalapi sa Pilipinas • Walang pera o credit card na umiiral noong sinaunang panahon. Sa pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang mga bansa at dayuhan nakikipagpalitan ang mga Pilipino ng mga produkto gaya ng ginto, bigas, tabako, kape at tela. • Noong ika – 8 at ika – 14 siglo ay lumitaw ang gintong bagol. Tinawag ito na mga numismatiko (mga taong nangongolekta at nag-aaral ng mga perang bagol) na “piloncito” dahil nahahawig sa mga banga na tinanggalan ng asukal na kung tawagin ay “pilon. • PILONCITO – itinuturing na pinakaunang gintong bagol na ginamit ng mga sinaunang tao.
5. • Noong 1728, lumabas ang tansong bagol na unang ginawa sa Pilipinas . Katumbas ng isang sentimo (na noo’y malaking halaga). • Noong 1861, nagsimula ang Pilipinas sa regular na paggawa ng mga bagol. Ang mga gintong bagol ay tinawag na “Isabelinas.” • Noong maikling panahon ng Unang Republika (1898-1901) ipinag-utos ni Pangulong Aguinaldo ang paggawa ng bagong salaping papel bilang simbolo ng kasarinlan ng Pilipinas. • Bilang kolonya ng Estados Unidos, ginamit ng ating bansa ang pamantayang ginto ng pananalapi at dolyar ng mga Amerikano. Gumawa rin ng mga lokal na bagol, na may simbolo ng agilang Amerikano at bandilang Amerikano. • Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-45) naging tanyag ang “Perang Mickey Mouse” ang popular na tawag dito na inihambing sa laruang pera ng mga bata noong Panahon ng Amerikano. • Noong Hulyo 4, 1946 pagkaraan kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas nagpatibay ng bagong patakaran ng pananalapi ang Central Bank of the Philippines.
