So 1110. Paglalakbay sa Pinatag ng Kalikasan ni Ethel J. Paje, Aglao Elementary School Dang kilometro ang layo mula sa sentro ng bayan ay may isang maliit na bundok na pinapaniwalaang natutulog na bulkan. Ito ay nagtataglay ng isang napakagandang hugis, hugis-bulkan na kung saan ang tuktok nito ay parang pinatag ng kalikasan. na Sa pag-akyat sa bundok na ito ay matutunghayan ang mga taniman ng gulay at punongkahoy na hitik sa bunga. Ang batis na nag-aanyayang maligo at ang malamig na hangin na humahaplos sa pisngi. Makikita rito ang iba't ibang uri ng halaman na kumakapit sa naglalakihang mga puno. Mga bato at yungib na pinanday ng panahon na naging matatag taguan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng ating mga ninuno. Sa napakasariwang hanging sasalubong sa iyo sa tuktok ng bundok ay agad mapapawi ang iyong pagod sa pag-alyat. Mapupuno ng galak ang iyong puso dahil sa matagumpay na pag-akyat sa bundok na ito. Ano nga ba ang maldkita sa itaas ng bundok na ito? Isang katanungan na aking nabigyan ng kasagutan nang minsan ako'y umakyat kasama ang ilan. Sa silangang bahagi ay masisilayan ang buong barangay ng Sinamar, lumang pangalan ng Barangay Aglao na ngayon ay lubog sa tubig. Ang mahabang kabundukan ay pumapalibot sa bantog na Lawa ng Mapanuepe, ang nag-iisang lawa na matatagpuan sa silangang kabundukan ng bayan. Sa lawa na ito matatagpuan ang ipinagmamalaking Floating Restaurant ng Barangay Aglao at ang Sta. Barbara Sunken Church ng katabing barangay, ang Barangay Buhawen. Sa pagtingin sa gitnang bahagi ay makikita ang napakalawak na lupain na natabunan ng lahar, Sa ngayon, ito ay naging pastulan ng mga hayop katulad ng mga baka, kalabaw, kabayo, at kambing. Ang 6 1 Pahina