👤

karapatan bilang mamimili​

Sagot :

Answer:

1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan,

pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.

2. Karapatan sa Kaligtasan

May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.3. Karapatan sa Patalastasan

May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba.

4. Karapatang Pumili

May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila.

5. Karapatang Dinggin

May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng

pamahalaan.

6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan

May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman

o nang pag-aayos sa paghahabol.

7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili

May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.

8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi.

Explanation:

Sana nakatulong po, thank you.