III. Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing nakasalungguhit. Salungguhitan ang sagot sa loob ng panaklong. 16. Si Andres Bonifacio ay isang anak-pawis. ( mayaman, maramdamin, mahirap) 17. Mahilig kumanta tuwing umaga ang kapitbahay mo, e boses palaka naman. (sintonado, palaka ang tinig, maganda ang boses) 18. Hawak sa ilong ang lahat ng pulis sa nais ng kanilang alkalde. ( hinawakan ang ilong, sunud-sunuran, may sariling paninindigan) 19. Bakit kaya lagi na lang butas ang bulsa ng kapitbahay kong negosyante? Parati na lang sinasabing wala siyang pera tuwing ako'y manghihiram. (kuripot, walang pera. madamot) 20. Kinain ng abo ang malaking bahay na katatayo pa lamang na pag-aari ng mag- asawang drug-lord na taga Pasil, Cebu City (may abo ang bahay, nasunog, pinagnakawan)