Sagot :
Answer:
ANG SIMULA NG RENAISSANCE
ANG SIMULA NG RENAISSANCESa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ang mahabang panahon ng digmaan, epidemya, at kaguluhang ekonomiko ay nagwakas. Isang bagong pananaw na nagbigay pangako, tiwala, at sining ang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ay naghudyat sa simula ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan na Renaissance. Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang.” Ito ang panahon sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito, muling pinanumbalik ang mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma. Umiral ito mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo.
Explanation: