👤

PANUTO L:BASAHIN AT SAGUTAN ANG SITWASYON SA IBABA.

Chain smoker si Tatay. Tanda ang mga paso sa sigarilyo sa gilid ng kaniyang kawayang papag. Maski gabi at nakahiga na, bago matulog, nagsisigarilyo pa rin siya. Minsan, nakakatulugan na niya ang paninigarilyo. Mabuti na lamang at matiyagang pinapatay ni Nanay ang sigarilyo kaya naiiwasang magkasunog. Sa umaga, sigarilyo at kape ang kaniyang almusal. Wala siyang hilig uminom.


1. Bumuo ng hinuha sa mga pangyayari na kinasasangkutan ng pinag-uusapan dito.
2. Mula sa hinuhang nabuo, sumulat ng isang talata na naglalaman ng iyong hinuha. Tiyaking kakikitaan ito ng simula, gitna, at pangwakas na pangungusap.



Sagot :

Answer:

Si tatay ay magkakasakit sa baga at di kalaunan ay mahihirapan huminga.

Dati palang, nagsisigarilyo na si Tatay, halatang halata naman. Bawat oras at minuto ay makikita mo siyang may hawak na sigarilyo. Ngunit kahit pala-sigarilyo siya, hindi siya umiinom ng alak. Minsan nga ay nakakatulog na siya dahil sa paninigarilyo, salamat kay nanay ay nagagawa niyang patayin ang kanyang sigarilyo na maaring maging dahilan ng sunog. Kahit nga almusal, tanghalian, hapunan ay nagsisigarilyo parin si Tatay.

Habang nagsisigarilyo si Tatay, napapansin ko na parang inuubo siya. Kaya naman tinanong ko siya kung ayos lang ba siya, ang sagot niya ay oo. Sinubukan oong kunin ang kanyang sigarilyo para hindi na siya ubuhin, ngunit nagpupumalag siya. Maya maya, nagulat nalang ako nang mapaupo si tatay sa sahig, kaya naman tinawag ko si nanay para matulungan siya. Kinakabahan ako habang dinadala namin sa ospital si tatay.

Pagdating namin sa ospital, sinabi ng doktor na tuyot na tuyot na daw ang baga ni tatay, kinabahan kami ni nanay, at tinanong kung ano ang pwedeng solusyon dito. Sinabi ng doktor na pwede daw siyang operahan para mapalitan ang kanyang baga, ngunit kakailanganin ng donor para kay tatay, kaya naman sabi ni nanay siya nalang daw. Ngunit ang aming problema ay saan kami kukuha ng pera, eh wala namang trabaho si tatay, at si nanay, labandera lang. Kaya naman napagdesisyunan kong tumaya sa lotto, baka sakaling manalo ako. Paglipas ng ilang araw sinimulan na ang opera ni tatay, habang nanonood ako sa aming tv, nagulat ako dahil ang mga numerong ipinalabas ay kapareho ng itinaya ko.

Nagsisigaw ako sa tuwa at sinabi kay nanay ang magandang pangyayari, nagyakapan kami sa tuwa. Makalipas ang ilang araw, operasyon na ni tatay, at kakailanganin na ng malaking halaga, na meron naman na kami kaya kampante ako doon. Maya maya nasa ospital na kami at nakita namin ni nanay si tatay na mabuti ang lagay, natuwa kami. Sinabi namin kay tatay na tigilan na ang paninigarilyo, at pumayag naman ito. Simula noon, hindi na nagsigarilyo pa si tatay.

Explanation:

sana nakatulong :)