Sagot :
Explanation:
Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Pinuno:
Ang tatlong katangian na dapat taglayin ng isang pinuno ay ang mga sumusunod:
may kakayahang makita at makilala ang suliranin at nakagagawa ng paraan para lutasin ito
may tibay at lakas ng loob
mabuti at mapanagutan
Ang kakayahang makita at makilala ang suliranin at makagawa ng paraan upang malutas ang mga ito ay isa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno. Ito ay makikita sa kung paano siya umaksyon sa oras ng pangangailangan o emergency. Alam niya kung ano ang mga hakbang na gagawin at ito ay kanyang isinasakatuparan sa tulong na rin ng ibang tao.
Ang isang pinuno ay dapat na may tibay at lakas ng loob. Mahalaga ang mga katangiang ito sa kanyang paggawa ng mga pasyapara sa ikabubuti ng lahat ng kanyang mga nasasakupan. Sa pamamagitan niya nagiging possible ang pagbabago. Dahil sa sapat na tibay at lakas ng loob ay maaari kang maging isang mapanagutang pinuno o lider.
Ang isang pinuno ay dapat na maging mabuti at mapanagutan. Ang tagumpay at pagkabigo ng isang lider ay nakasalalay sa kanyang pamumuno. Kaya naman, kung nais ng isang pinuno na maging positibo at magkaroon ng pangmataglang epekto at impluwensiya sa mundo kinakailangan na siya ay maging mabutib at magkaroon ng mabuting pamumuno. Ang mabuting pamumuno ay may tatlong uri:
adaptibo
inspirasyunal
trnspormasyonal
Ang adpatibong pamumuno ay may mataas na antas ng pagkilala sa sarili at kakayahang pamahalaan ang sarili.
Ang inspirasyunal na pamumuno ay nagbibigay ng direksyon at inspirasyon.
Ang transpormasyonal na pamumuno ay nakatuon sa pagkakaroon ng pagbabago.
Mga Uri ng Pamumuno: brainly.ph/question/1923477