👤

Pa help po please wag niyo pong sagutan kung alam niyo naman na di makatutulong ang sagot niyo please po

Paano naapektuhan ng bawat salik ang pagkakaiba sa antas ng kabuhayan ng bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, at Bhutan? ​


Sagot :

Answer:

ANG HEOGRAPIYA NG ASYA I. PANIMULA II. SAKLAW NG MODYUL Pamantayan sa Pagkatuto: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa rehiyong Asya sa mayamang katangian at kakayahan ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan nito, at sa iba’t ibang larangan ng buhay Asyano (pampolitika, pang-ekonomiya, pampamahalaan) at ugnayan sa pagitan ng rehiyon mula sinaunang kabihasnan patungo sa kasalukuyang mga lipunan at bansa tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano. Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng tao at kapaligiran sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano. Karaniwang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang maraming lugar sa Asya gaya ng Boracay sa Pilipinas, Bali sa Indonesia, at Penang sa Malaysia. Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang magaganda at mayayamang likas na yaman ng Asya? Naitanong mo ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang kontinenteng ito at kung gaano karami ang mga taong naninirahan dito? Kung hindi pa samahan mo akong maglakbay at tuklasin kung paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito ay matutuklasan ang mga angking katangian ng Asya bilang isang kontinente kasama na ang yamang-tao at ang implikasyon nito sa kaunlaran ng mga bansang Asyano. Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay sa Asya, siyasatin natin ang mga kamangha-manghang bagay tungkol sa heograpiya nito at tuklasin ang mga bahagi ng kultura ng mga naninirahan dito.

3. 3 Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod: Aralin 1 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heyograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya 2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo,klima, at vegetation cover 3. Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya 4. Nakagagawa ng pangkalahatang heyograpikal na profile ng Asya Aralin 2 1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya 2. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya, (c) panahanan, at (d) kultura 3. Naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon Aralin 3 1. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya 2. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng kultura ng mga Asyano Aralin 4 1. Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa : (a) dami ng tao, (b) komposisyon ayon sa gulang, (c) inaasahang haba ng buhay, (d) kasarian, (e) bilis ng paglaki ng populasyon, (f) uri ng hanapbuhay, (g) bilang ng may hanapbuhay, (h) kita ng bawat tao, (i) bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at (j) migrasyon 2. Napahahalagahan ang yamang-tao ng Asya Grapikong Pantulong sa Aralin Heograpiya at Yamang-Tao ng Asya Katangiang Pisikal ng Asya Mga Salik Heograpikal Populasyon Yamang-Tao

Answer:

Ooh dami naman ng answer ng isa grabi

In Studier: Other Questions