Sagot :
Answer:
Ang isang awitin ay maaring mahalintulad sa pagke-kwento. Ang tanging kaibahan lamang ay ang awit ay may sinusunod na tono habang ang pagke-kwento ay wala. Tulad ng isang kwento, ang awit ay may mga bahagi tulad ng introduction at coda at ito ay mahalaga.
Ang introduction o sa mas pinaikling tawag ay intro, ang nagtatakda ng mood ng kanta. Ito rin kadalasan ang nagtatakda ng pitch ng awitin, kung ito ba ay mababa o mataas. Mahalaga rin ang intro dahil maaring dito nakasalalay kung magiging interesado ba ang mga makikinig sa awit. Kung sa intro palang ay naiingayan na sila or hindi na nila ito agad gusto, maaring hindi na nila pakinggan ang buong awitin.
Kung ang introduction ay maririnig sa unang bahagi ng kanta, ang coda naman ay maririnig sa bandang dulo ng awit. Ito rin ang nagbibigay ng ibang tunog sa awit, o ‘yung palabok na tunog para mas maging makapal at makulay ang awitin.
Bukod sa intro at coda, mayroon pang ibang bahagi ang isang awit na kasinghalaga ng dalawang unang nabanggit.
hope it helps:)