👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Tukuyin ang mga inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa iba-ibang hati ng nibel sa isang espasyo.
2. Ito ay punto ng kilos o paggalaw papunta sa isang eksaktong lugar at
nailalarawan kung diretso, pakurba, o paliko-liko.
3. Ito ay punto ng kilos o pagpalaw papunta sa isang eksaktong lugar na
maaaring ilarawan sa pamamagitan ng pasulong, paatras, pakaliwa, o pakanan.
4. Ito ay isang partikular na lugar o posisyon ng isang tao, hayop o
bagay.
5. Ito ay halos katulad din ng daanan at nailalarawan sa pamamagitan
ng mga salitang pahalang, diyagonal o patayo.​