PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama at isulat naman ang MALI kung ang isinasaad ng pangungusap ay mali. 1. Sa tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. 2. Ang bahagi ng tagpuan ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 3. Ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahig tauhan ang katuparan ng kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. 4. Ang tunggalian ang bahaging kababasahan ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa suliraning kakaharapin. 5. Ang protagonista ang tauhan na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida.