👤

Sustanyang taglay ng itlog


Sagot :

Answer:

Isa sa mga madalas na kinakain sa agahan ay itlog. Kadalasan itong piniprito o nilalaga. Pwedeng kumain ng itlog anim o pitong beses sa isang linggo. Ang itlog ay magandang source ng protina. May taglay itong mga essential amino acid na kailangan ng ating katawan lalo na upang mapanatili ang ating muscle mass at strength. May taglay din itong fats. Marami din itong vitamins and minerals.  

Mayroon itong vitamin A para sa malusog na mata, vitamin B para sa utak at ugat, vitamin D para sa malusog na buto at vitamin E para proteksyon mula sa sakit. May taglay itong iron para maging malusog ang ating dugo, calcium para malusog ang buto at ngipin, lutein para sa mata at zinc na nakakatulong upang maging malusog ang ating tissues at mabilis na gumaling ang mga sugat.

Mas mainam kung ilalaga ang itlong kaysa iprito upang hindi ito masyadong mamantika.