👤

A. Panuto: Tukuyin kung Pang-abay o Pang-uri ang binibigyang diin na salita sa bawat
pangungusap
1. Maaga siyang pumasok sa eskwela.
2. Mabait ang guro sa Filipino.
3. Malalim ang ilog ng Calabanit.
4. Si Christian ay pabulong na nagdarasal.
5. Masayang umakyat sa puno ng niyog ang mga bata.​


Sagot :

Pang-abay o Pang-Uri

1. Maaga siyang pumasok sa eskwela.

  • PANG-ABAY

2. Mabait ang guro sa Filipino.

  • PANG-URI

3. Malalim ang ilog ng Calabanit.

  • PANG-URI

4. Si Christian ay pabulong na nagdarasal.

  • PANG-ABAY

5. Masayang umakyat sa puno ng niyog ang mga bata.

  • PANG-ABAY

====

Pang-Uri

Malalaman natin na ang isang pangungusap ay halimbawa ng pang-uri kung ang pang-uri o ang salitang naglalarawan ay tumutukoy sa pangngalan.

Pang-Abay

Malalaman nating halimbawa ng pang-abay ang mga pangungusap na tulad sa itaas kung ang tinutukoy ng salitang naglalarawan ay pandiwa o kilos.

.