👤

Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan sa iyong kwaderno ang

kasunod na mga katanungan.


HALIKA KA AT MAG-ARAL TAYO

Janet S. Nicolas

Habang bakasyon, patuloy na ginagabayan ng mag-asawang Jhun at

Lorena ang kanilang mga anak pagdating sa pag-aaral. Sila ay patuloy na

tinuturuan. Marami silang nakuhang pagsasanay sa DEPED COMMONS.

Malaking tulong ito dahil hindi sila nahihirapang mag-isip ng iba’t ibang

gawain para sa kanilang mga anak.

“Jamina at Jaime, halina at sagutan ang inihanda naming pagsasanay”, sabi

ng amang si Jhun.

“Opo, pupunta na po kami”, sabay na sagot ng magkapatid.

Agad na lumapit ang magkapatid sa kanilang ama. Binibilisan nila itong

tapusin para makapaglaro na sila pagkatapos. Habang ginagawa ang

pinasasagutan.

“Ate, maaari ba ako makahiram ng iyong lapis? tanong ni Jaime.

“Sige, may isa pa ako dito,” sagot ni Jamina.

Agad na natapos ng magkapatid ang pinasasagutan. Habang kumakain ng

hapunan, naalala ni Jamina ang lapis na pinahiram kay Jaime.

“Iniligpit mo ba ang lapis na hiniram mo?,” tanong ni Jamina.

“Naku! Hindi ko maalala kung saan ko inilapag,” sambit ni Jaime

Pinagsabihan at pinaalalahanan ng ama si Jaime.

“Ipagpaumanhin niyo po,” sambit ni Jaime.

“Sige, sa susunod dapat ingatan ang gamit na hiniram,” paliwanag ng ama.

“Opo, hindi na po mauulit,” tugon ni Jaime.


Pagtalakay:

1. Ano ang ginagawa ng magkapatid habang bakasyon?

2. Sino ang gumagabay sa kanilang pag-aaral?

3. Bakit pinagsabihan si Jaime?

4. Papaano kinausap ng ama si Jaime?



Pwede po ba patulong po ako thank you po