Sagot :
Answer:
Ang paggawa ng essay o sanaysay ay dapat may katumbas na tema nito. Halimbawa na lamang kung ipinapagawa kayo ng inyong guro ng sanaysay na may patungkol sa Buwan ng Wika sa iyong isipan magco construct ka muna kung ano nga ba ang iyong mga kaalaman sa Buwan ng Wika. Pagkatapos ay dapat na maglagay ng tamang sukat ng margin sa sulatang papel, kapag nagbabahagi na ng iyong saloobin patungkol sa tema huwag kalimutan gamitin ang mga bantas. Ang panimula ng isang sanaysay ay dapat makabuluhan, isulat rito kung ano ang gustong ipahiwatig ng iyong sanaysay. Isulat rin ang mahahalagang impormasyon sa iyong sanaysay. At ang huli dapat tapusin ang iyong sanaysay ng kawili wili kagaya ng iyong panimula. Ang wakas pwedeng isulat rito ang iyong konklusyon o repleksyon sa iyong sanaysay.