GAWAIN 4: Ihalad Mo Na PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Ipaliwanag ang mga salitang nagpapalutang ng hindi lantad na kahulugan batay sa kontekstong nabasa sa akda. 1. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. 2. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. 3. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya. 4. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan. 5. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan.