Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may maraming anyo. Ang isang listahan ng mga pamamaraan sa pagtuturo ay kinapapalooban ng maraming ideya at halimbawa, at isang buong talakayan ng mga ito ay makapupuno ng mga tomo. Gayunman, maaaring pagsama-samahin ang mga ito sa ilang pangkalahatang paksa sa mga pamamaraan, kasanayan, o estilo ng pagtuturo na lubhang mahalaga sa epektibong pagtuturo. Ang bahaging ito ay tutugon sa ilan sa mahahalagang paksa nito