👤

II. Panuto: Piliin sa kahon ang birtud na inilalarawan sa bawat bilang,
Isulat ang titik ng iyong sagot.
f. Katarungan (Justice)
g. Mora na Birtud
a. Pag-unawa (Understanding)
b. Agham(Science)
c. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
d. Pagtitimpi (Temperance o Moderation)
e. Karunungan (Wisdom)
h. Sining (Art)
i. Katatagan (Fortitude)
j. Intelektuwal na Birtud
1.
Ito ang pinakapangunahing birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
2. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na
bungang pagsasaliksik at pagpapatunay
3. Ang gawi ng
ay ang pagtingin sa lahat ng panig upang
makakalap ng datos bago magpasya. Ito ang itinuturing na ina ng mga
birtudsapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumaraan sa birtud
na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral.
4. May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao.
5. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman.
6. Ang
ang nagtuturo sa atin na lumikha sa tamang pamamaraan.
7. Ito ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang
katayuansa buhay.
8. Kinakailangan ang pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso
omasamang gawain.
9. May kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman.
10. Ito ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin
ang anumang pagsubok at panganib.
Karagdagang Gawain
Panuto: Lumikha ng islogan, tula o awit na magbibigay kahalagahan sa paglinangat
pagtataglay ng birtud Gawin ito sa isang buong papel o bond paper.​