Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, kopyahin at
sagutan ang gawain. Lagyan ng tsek () kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pakikiisa o pakikilahok sa programa. Ekis (X) naman kung
hindi.
1. Si Vince Ryan ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa barangay upang
magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan.
2. Si Lance Perry ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa
kanilang paaralan.
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Pearl na may ngiti sa
mga labi habang ginagawa ito.
4. Ipinagyayabang lagi ni Yana ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak
sa pag-awit sa kanilang bayan.
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5-A Mabini kahit na hindi
kumpleto ang teknolohiyang ginamit nila.
