18. Kilala si Charles sa kanyang pananakot sa mga kamag-aaral. Minsan, inutusan niya si Martin na kunin ang bag ng isa pang kaklase upang itago dahil nais lang ni Charles na mapagkatuwaan ito. Kung susundin ni Martin ang utos ni Charles, ano ang antas ng pananagutan ni Martin? A. Maliit na pananagutan, dahil takot siya kay Charles. 8. Medyo malaking pananagutan dahil basta na lang siya sumunod sa utos ni Charles. C. Buong papanagutan dahil siya ang gumawa ng pagtatago ng bag. D. Walang pananagutan si Martin dahil kilala si Charles sa pambu-bully. 19. Alin sa mga sumusunod ang kilos na dahil sa takot ngunit may pananagutan? A. Ang pag-iwas na tumingin sa karayom habang tinuturukan. B. Ang pagtatago ng tunay na karamdaman para di kaawaan. C. Pagtatalukbong ng kumot habang natutulog. D. Pagdadala ng flashlight kung umuuwi ng gabi. 20. Noong face to face pa. Nagbigay ng pagsusulit ang iyong guro. Siya ay istrikta. Sinabi niya na bawal magtanong sa oras ng pagsusulit. Nabasa mo na may mali sa panuto na nakalagay dito. Ano ang nararapat mong gawin? A. Ituloy na lamang ang pagsasagot kahit mali ang panuto. B. Ipaalam agad sa guro upang maiwasto ang panuto. C. Pagkatapos na lang ng pagsusulit sasabihin sa guro ang maling panuto. D. Senyasan ang kaklase na magsabi sa guro na may mali sa panuto. 21. Ano ang dalawang kategorya ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? A. puso at isip B. puso at kilos C. sanhi at bunga D. isip at kilos-loob