Sagot :
"Hindi patas ang mundo"
Magulo ang mundo,
kapangyarihan ang hangad ng mga tao.
Mahirap maintindihan,
kung bakit buhay ng iba ay madaling wakasan.
Talaga ngang hindi patas ang mundo,
mga inosenting naghihimas rehas sa presinto.
Ngunit sana'y maunawaan mo,
kapangyariha'y sa huli'y maglalaho,
Tama na ang gulo,
buhay ng tao ang isipin mo.
Makapangyarihan ka man sa mundong ito,
wala kang laban sa Diyos na tagapagligtas ng mga tao.
------------
Sana makatulong to, aral mabuti, magbasa nang matuto.