Sagot :
Answer:
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya". Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan.
Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.